Tila maihalintulad sa isang teleserye ang buhay ng isang
33-anyos na lalaki sa China.
Kung saan, lumaki siya sa mahirap na pamilya na hindi
niya kadugo. Ninakaw kasi umano ng isang doktor noong ito’y sanggol pa lamang.
Hanggang sa nadiskubre nito ang katotohanang anak pala
siya ng milyonaryo nang matagpuan ang totoong mga magulang.
Sa video, makikita ang tila pagdaan ng isang VIP matapos
na salubungin ito ng maraming tao at ang pag-escort ng pulis sa lalaking
kinilala kay Zhang Huaiyuan patungo sa totoo nitong mga pamilya.
Isang mahigpit na yakap naman ang kaniyang natanggap mula
sa tunay na ina.
Nagsimula ang lahat nang manganak si Mrs. Li sa isang
ospital sa Zheichang China, kahit anim na buwan pa lang sa kaniyang
sinapupunan ang sanggol.
Dahil kulang sa buwan, napaniwala sila ng doktor nang
sabihing patay na ang sanggol.
Hindi din nakita ng ama ang kanilang anak at wala rin daw
alam ang misis nito na nasa ilalim ng general anesthesia nang mga panahong
iyon.
Sa loob ng 33-taon ay namuhay ang mag-asawa sa pag-aakalang
wala na ang kanilang anak na siyang ninakaw pala ng nasabing doktor at ibinigay
sa kamag-anak na hirap magkaroon ng anak.
Si Zhang ay lumaki sa hirap dahilan na hindi ito
nakapagtapos ng pag-aaral.
Nang mamatay ang kaniyang inaakalang ama, dito niya
nalaman ang katotohanan tungkol sa totoo niyang pagkatao.
Nag-imbestiga si Zhang, at sa tulong ng mga pulis,
nahanap niya ang tunay niyang mga magulang na milyonaryo pala.
Tulad ng karaniwang proseso upang mapatunayan na totoong
kadugo mo ang isang tao, sumailalim si Zhang sa DNA test at dito nakumpirma na siya
ang nawawalang anak ng mag-asawang milyonaryo.
Sa pag-uwi ni Zhang sa tunay na pamilya, agad siyang niregaluhan
ng mahigit P9.7-milyon.
Samantala, hindi pa malinaw kung magssampa pa sila ng
kaso laban sa doktor at sa pamunuan ng ospital.
0 Comments