EX-PRES. DUTERTE, HINDI NA DAW TATAKBO SA 2025 ELECTIONS

 


“TAPOS NA PO AKO. LAOS NA AKO” – EX. PRES. DUTERTE SA PAGTAKBO SA 2025 ELECTION

Nilinaw ni dating pangulong Rodrigo Duterte na hindi na umano ito babalik sa politika.

Sa isang press conference sa Tacloban City, mariing itinanggi ni Duterte ang kamakailang anunsyo ng kaniyang anak na si Vice-President Sara Duterte na tatakbo siyang senador sa 2025 Election kasama ang dalawa pang anak na sina Congressman Paolo “Pulong” Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Ani pa ni Duterte, matanda na daw siya at wala nang panggastos dahilan na hindi na ito babalik pa sa pulitika.

“I think hindi na ako babalik ng politika. Tapos na po ako. Laos na ako,” saad ni Duterte.

“Wala na akong panggastos. Wala na lahat. Ang naiwan sa akin siguro, yabang. Hindi naman ako galit. Wala akong galit. [...] Matanda na ako,” dagdag pa niya.

Samantala, si Duterte ay naging pangulo ng Pilipinas mula sa 2016 hanggang 2022.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog