PAG-AMYENDA SA “DOBLE PLAKA LAW”, LUSOT NA SA SENADO



Inaprubahan na ng senado ang plenary Senate Bill (SB) No. 2555, na naglalayong amyendahan ang Republic Act 11235 o ang “Motorcycle Crime Prevention Act” na mas kilala bilang “Doble Plaka” law.

Nakalusot ang naturang panukalang batas sa senado matapos makakuha ng 22 affirmative votes, zero negative, at walang abstention.

Sa ilalim ng SB 2555, nakasaad dito na mabigyan ng patas at resonableng regulasyon ang mga motorcycle riders upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.

Dagdag pa rito, inamyendahan din ang pagpataw ng multa at parusang pagpapakulong para sa kapakanan ng komunidad.

Kaugnay nito, iminungkahi din sa nasabing panukalang batas ang pag-install ng Radio Frequency Identification (RFID) stickers sa harapan ng mga motorsiklo sa halip na orihinal plates para sa kaligtasan ng mga riders.

Samantala, sinuportahan naman ito ng ilang mga senador lalo na’t talamak ang mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo para sa mga ilegal na aktibidad.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog