Inilunsad sa panibagong koleksyon ni Barbie ang isang
bulag na Barbie doll na inisyatibo ni Mattel sa pakikipagtulungan sa ilang mga
organisasyon.
Kung saan, naglalayon itong makabuo ng isang laruan para
sa blind community.
Nag-ambagan ng mga ideya ang foundations mula sa damit ng
manika, pagtitig ng mga mata gayundin ang paggawa ng website ng kumpanya na
accessible para sa mga visually impaired na indibidwal.
Kaugnay nito, isa sa mga humiling na magkaroon ng
visually impaired na Barbie doll ay si Lucy Edwards, isang bulag na broadcaster
at disability right advocate. Siya rin ang kauna-unahang visually impaired na
indibidwal sa UK na nahumaling sa mga manika.
Kung kaya’t labis ang tuwa nito nang personal na
mahawakan ang isang bulag na Barbie doll dahil nangunguhulugan ito na
nagkakaroon na sila ng puwang at unti-unting tinatanggap sa kabila ng kanilang
paghihirap sa kapansanan.
Pananaw naman ng mga brides, ang manika ay hindi lamang
isang pagkakataon para maging inspirasyon sa mga visually impaired kundi pati
na rin maipaalam sa mga sighted individuals.
"The blind community knows a lot about the sighted
community, but the sighted community doesn't know a lot about the blind and low
vision community, right… it can be educational and provide some pretty unique
awareness."
0 Comments