Dahil sa sobrang excitement, nawala ng isang atleta ng
Italy ang wedding ring nito sa kasagsagan ng opening ceremony ng 2024 Paris
Olympics sa Seine River nitong Sabado, Hulyo 27.
Pahayag ng high jumper na si Gianmarco Tamberi na
naramdaman nito ang pagdulas ng singsing ngunit hindi na niya ito nasalo nang mabilis
itong dumiretso sa tubig.
"But if it really had to happen, if I really had to
lose it, I couldn't imagine a better place," ani Tamberi.
"It will remain forever in the riverbed of the City
of Love" dagdag pa ng atleta.
Humingi naman ng pasensya si Tamberi sa asawa nito dahil
sa nangyari.
0 Comments