OIL SPILL MULA SA LUMUBOG NA TANKER, UMABOT NA SA BAYBAYIN NG BULACAN


 

Kinumpirma ni Bulacan Governor Daniel Fernando na umabot na sa kanilang lugar partikular na sa baybayin ng Barangay Pamarawan sa Malolos City ang oil slick.

 

Ang naturang oil slick ay mula sa lumubog na tanker na Terra Nova sa baybayin ng Bataan.

 

Nananawagan naman ng tulong si Fernando kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-set up ng oil slick brooms sa baybayin ng Bulacan upang protektahan ang yamang-dagat at ang fishpond industry sa nasabing probinsya.

 

Sinang-ayunan din ito ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na dapat ikontamina ang naturang oil spill. Ngunit, paalala nito na may kamahalan ang commercial oil booms kung kaya’t mungkahi nito na gumamit ng organic oil booms dahil sa ito’y mas murang gawin.

 

Kaugnay nito, sumang-ayon naman sa suhestyon ni Loyzaga ang pangulo at nag-proposed na kailangang ipatupad ang Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged/Displaced Workers program ng Department of Labor and Employment upang mabigyan ng proyektong pangkabuhayan ang mga apektadong residente.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog