NATA DE COCO, NAIMBENTO NG ISANG PINAY

 


ALAM NIYO BA NA ISANG PINAY ANG NAKAIMBENTO NG NATA DE COCO?

 

Itinuturing na isang unique specialty ng mga Pilipino ang nata de coco na kadalasa’y hinahalo sa mga inuming samalamig, mga desserts, kendi at ang pinakapaborito ng Pinoy na halo-halo.

 

Pero mga ka-k5, sino nga ba ang naka-imbento ng Nata de Coco?

 

Ang Nata de Coco ay imbensyon ng isang Pinay na kinilala kay Teódula Kalaw África at isang chemist mula sa Lipa, Batangas.

 

Noong 1949, nagtatrabaho bilang chemist si Africa para sa Philippine National Coconut Corporation na ngayo’y Philippine Coconut Authority at dito niya nabuo ang ideyang gumawa ng Nata de Coco.

 

Mula sa mga tirang coconut water o coconut waste, nakabuo si Africa ng produktong nata de coco na sumailalim ng maingat na proseso ng fermentation.

 

Gawa ito sa pinaghalong pinakuluan na coconut water na may asukal, ZA, at acidic acid tsaka ito ihinahalo sa Acetobacter xylinum bago sumailalim sa proseso ng pagbuburo ng pito o higit pang mga araw.

 

Matapos ang ilang araw na fermentation, nabubuo ito na parang katulang ng isang jelly na malambot, chewy, at gelatinous texture.

 

Samantala, ang karaniwang kulay ng nata de coco ay maputlang puti at halos translucent.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog