12 PATAY SA PAG-ATAKE NG HEZBOLLAH ROCKET SA FOOTBALL GROUND


  

Patay ang 12 katao sa isang rocket attack sa isang football ground sa okupadong Golan Heights ng Israel nitong Sabado.

 

Ayon sa mga awtoridad ng Israel, kabilang sa mga nasawi ay mga bata at isinisisi nito ang nangyari sa Hezbollah kung kaya’t nangako itong magpapataw ng malaking presyo sa grupong Lebanese na suportado ng Iran.

 

Ngunit, itinanggi naman ng Hezbollah ang nangyaring strike, isang nakakamatay sa Israel o Israeli-annexed territory magmula ng mag-umpisa ang hidwaan sa Gaza.

 

"The Islamic Resistance has absolutely nothing to do with the incident, and categorically denies all false allegations in this regard", pahayag ng Hezbollah.

 

Samantala, batay sa Israeli ambulance, nakapagtala pa ito ng 13 pang biktima ang sugatan kung saan nangyari ang pag-atake sa gitna ng kanilang paglalaro ng soccer.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog