CEBU PACIFIC, MAGLULUNSAD NG DIRECT FLIGHTS MULA ILOILO-HONG KONG AT SINGAPORE



Magkakaroon na ng direktang international flights ang Cebu Pacific sa Iloilo matapos ang apat na taong paghinto dulot ng pandemya.

 

Ayon kay Michel Eve de Guzman, Marketing Director ng Cebu Pacific, maglulunsad ang Cebu Pacific ng direktang flights mula Iloilo – Hong Kong at Iloilo – Singapore at vice versa ngayong taon.

 

Sisimulan naman sa Oktubre 27, 2024 ang paglunsad ng daily direct flights mula Iloilo-Hong Kong.

 

Ang naturang mga bagong ruta ay makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas gayundin sa paglago ng turismo sa bansa.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog