KA-K5, ISA KA RIN BA SA MGA BABAENG HINDI NAGRE-REPLY SA
MGA LALAKING NAGSE-SEND NG PRIVATE MESSAGES?
Trending ngayon ang ibinahaging post ng isang abogada nang
sagutin nito ang tanong na sa isang anonymous question app tungkol sa hindi
niya umano pagtugon sa random messages.
Sa post ni Atty. Katherine Jessica Calano, isinaad nitong
hindi aniya ito obligadong replayan ang nagse-send sa kanya ng private messages
(pm) lalo na’t hindi naman niya ito kilala.
“Also, I am not the type to reply to random guys’
messages more so if the message is not worth a reply. It’s not being rude, it’s
saving time and maintaining standard. You won’t get me to reply to hi, hello,
ganda mo, sexy mo, musta, cute mo, nice, galing, coffee tayo, labas tayo,
UNLESS matagal na kitang kilala”, dagdag pa ni Calano.
“Also, I don’t reply to guys who are only talkative in
chats but cannot approach me in person if they have a chance so I’d rather not
reply. Talking stage without “talking” or getting to know stage without
interest in “knowing” is a mess I don’t want to be in”, pahayag pa nito.
Inamin naman ng abogada na mataas talaga ang standards
nito kung kaya’t may ilang sinabihan siyang hindi na makakapag-asawa pa.
Ngunit, sa pananaw naman ni Calano hindi naman aniya ang
pag-aasawa lang ang ultimate goal sa buhay.
“Hindi kasi puro landi and love ang pagpapakasal”, saad
ng abogada.
Maraming netizens ang humanga sa mga sinabing ito ni
Atty. Calano. Tila naisatitik niya ang mga nais sabihin ng kaniyang mga kapuwa
babaeng nasa pareho ring sitwasyon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"This encourages other women to remain on their
chosen standard. Thank you for standing up for us!"
"This is how our mindset should be in this
generation. A woman who knows her worth, what she wants, and what she deserves.
A high value person's mindset "
0 Comments