9 ATLETA, 1 COACH, TINAMAAN NG DENGUE SA PALARONG PAMBANSA SA CEBU



Nadale ng dengue ang siyam na mga atleta at isang coach na kalahok sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City.

Ayon kay Dr. Peter Mancao, director ng Cebu City Medical Center, umakyat na sa 50 delegado ang naospital dahil sa ilang medical issues kabilang na ang dengue.

Dagdag pa ni Mancao na tinamaan na ng dengue ang 10 indibidwal, mula sa iba’t ibang rehiyon, pagdating sa Cebu City.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng misting at fogging ang city health department upang masiguro ang kalusugan ng bawat atleta at mga kasamang coaches.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog