MAHIGIT 100 BUHAY NA AHAS, NATAGPUAN SA PANTALON NG ISANG LALAKI



Huli ang isang lalaki matapos na sumubok na magpuslit ng mahigit 100 buhay na ahas sa mainland China.

Ayon sa customs authority ng China, napigilan siya ng mga custom officer at dito tumambad sa kanila ang mahigit 100 ahas na gumagalaw pa na nakalagay sa kaniyang suot na pantalon.

Paalis na sana ang hindi pinangalanang lalaki sa Hong Kong at patungong border city ng Shenzhen.

Ipinahayag pa ng isang opisyal na nakuha sa lalaki ang 104 na scaly reptiles kabilang na ang milk snakes at corn snakes, at ang karamihan pa dito ay mga non-native species.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog