AMA, PATAY NANG TAMAAN NG KIDLAT; ANAK, SUGATAN



Patay ang isang mangingisda matapos tamaan ng kidlat habang nakasilong sa Barangay Batbatan, Culasi, Antique.

Habang, sugatan naman ang anak nito.

Sa isang ulat, sinasabing pauwi na sana ang mag-ama mula sa pangingisda ng biglang bumuhos ang ulan na may kasamang kidlat. Kung kaya’t nagdesisyon silang sumilong muna sa naturang isla.

Ngunit, sa kasamaang palad ay tinamaan sila ng kidlat na ikinasawi ng ama matapos tamaan sa ulo habang nagtamo ng sugat sa likod at kanang braso ang anak nito.

Mabilis namang isinugod sa ospital ang mag-ama subalit idineklarang dead-on-arrival ang ama.

Samantala, patuloy pang ginagamot sa Culasi District Hospital ang anak nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog