ALAGANG ASO, NAG-UWI NG ULAM SA AMO

 



Ikinagulat ng isang netizen nang bigla na lang may bitbit na pang-ulam ang kanilang alagang aso.

Isang buong litsong manok lang naman ang inuwi nito at mainit-init pa.

Sa post ni Nick Hendrickson Labajo, naging madamdamin ito sa ginawa ng alagang aso lalo na’t namroblema ito ng kanilang uulamin.

Dagdag pa ni Nick na mainit-init pa ang bitbit na litsong manok ng kanilang alaga ngunit palaisipan pa kung saan ito nanggaling at kung paano ito nakuha ng kanilang alagang aso.

Maraming netizens naman ang naaliw sa nangyari habang may ilan namang nagtataka sa kung paano nadala ng aso ang isang buong manok na tila bagong hain.

Tila hindi maipagkakaila ang ipinakitang kabutihan at pagmalasakit ng aso sa amo nito kung saan siya pa ang nagdala ng solusyon sa pinoproblemang pagkain ng pamilyang nag-aalaga sa kaniya.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog