CEBU PACIFIC, BALIK-OPERASYON NA MATAPOS ANG PANDAIGDIGANG SYSTEM OUTAGE

 


ADVISORY | Naglabas ng anunsyo ang Cebu Pacific ng pagbabalik-operasyon ng kanilang system kasunod ng global IT outage na nakaapekto sa mga airline at mga negosyo sa buong mundo.

Sa post ng Cebu Pacific Air, matagumpay na naibalik ng Navitaire, CEB technology provider, ang lahat ng kanilang mga serbisyo at ng mga pinagbabatayan nitong server.

Sa muling pagpanumbalik ng kanilang system ay plano ng Cebu Pacific na i-operate ang normal na flight schedules.

Kaya inabisuhan nito ang lahat ng mga pasaherong may kumpirmadong bookings na i-monitor ang estado ng kanilang flights sa pamamagitan ng https://www.cebupacificair.com/flight-status.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng naturang kumpanya sa kanilang IT at airport staff na walang-tigil sa paghahanap ng aksyon upang maresolba ang naturang problema hindi lang sa kanilang system kundi pati na rin sa mga apektadong pasahero.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog