KLAY THOMPSON, IIWAN NA ANG GSW AT LILIPAT SA MAVERICKS



Planong sumali ng American basketball player na si Klay Thompson sa Dallas Mavericks para sa tatlong taong $50-milyon contract.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, ang pagsali ni Thompson sa Mavericks ay parte ng sign-and-trade kung saan ipapadala si Josh Green sa Charlotte Hornets.

Dagdag pa nito, tatanggap ng 2 second-round picks mula sa Mavericks anf Warriors para makumpleto ang deal.

Iginugol ni Thompson ang kaniyang unang 13 NBA seasons sa Warriors kung saan nanalo ito ng apat na NBA title kasama ang backcourt partner na si Stephen Curry at forward Draymond Green.

Bigo naman itong makapaglaro sa huling bahagi ng 2019-2020 season matapos na magkaroon ng ACL injury.

Taong Enero 2022 ay bumalik sa court si Thompson at tumulong sa pagtumba sa Boston Celtics dahilan na nakuha ng grupo ang NBA championship.

Sa pagsali ni Thompson sa Dallas Mavericks ay makakasama nito ang dalawang future Hall of Famers na sina Luka Dončić at Kyrie Irving.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog