Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya
ang ordinansang magbibigay ng P50,000 sa mga kababayang mag-asawa na halos
50-taon nang kasal.
Maliban sa P50,000, bibigyan din ang mag-asawa ng plaque
of recognition at letter of felicitation mula sa gobernadora ng Nueva Vizcaya.
Mayroon din silang libreng regular check-up sa anumang
medical facility na pinamumunuan ng naturang pamahalaan sa Nueva Vizcaya.
Layunin ng naturang ipinatupad na ordinansa na mabigyan
ng rewards ang mag-asawa na nanatiling matatag at umabot ng 50-taon ang pagsasama.
Para maging benepisyaryo ng naturang programa ay
kinakailangang magsumite ng mga aplikante ng mga sumusunod:
- · PSA copy of their marriage certificate
(Certificate of Marriage and Marriage Register from the Local Civil Registry
Office for marriages under the Shari’ah Law, and a duly Notarized joint
affidavit of two (2) Disinterested members from the Council of Elders for
marriages recognized as valid under the Indigenous Peoples Rights Act)
- · Barangay Council Resolution
- · Barangay Certificate of Residency
- · One valid government-issued ID
- · Birth Certificate of each celebrant from the
PSA or Local Registry
- · Notarized Certificate of Undertaking that
there are no pending cases for annulment
- · NBI Clearance
Habang, narito naman ang mga kondisyon upang makuha ang
benepisyo:
- ·
Legally married for 50 years
- ·
Both husband and wife must be living upon the
effectivity of the ordinance and at the time of submission of requirements
- ·
There are no record or complaints with
conviction on domestic violence and/or abuse pursuant to RA 9262 or
Anti-Violence against Women and their Children Act subject to presentation of
NBI clearance
- ·
The couple lived in Nueva Vizcaya for not
less than 10 years at the time of their 50th anniversary
- ·
The couple filed for the claim within 6
months of their 50th anniversary or a petition of qualification for celebrants
who have exceeded 50 years within one year of the effectivity of the ordinance.
0 Comments