ANGA-ANGA RAW ANG DRIVER: PASAHERO, INULAN NG BATIKOS MATAPOS GUMAMIT NG DEBIT CARD SA PAGBAYAD

 

via Balita

Viral ngayon ang isang post ng netizen matapos niyang ibahagi ang kaniyang reklamo kaugnay sa drayber na hindi tinanggap ang kaniyang pamasahe gamit ang debit card.

Sa post nito, "Bakit may mga driver na sorry sa word medyo aanga-anga? Kanina may na book ako na move it (pangalan ng isang motorcycle taxi services) tapos nung sa drop off ko na nung mag babayad na ako with my debit card hindi raw pwede yun? Is that possible? Like hello what if walang cash? Hindi lang ata marunong gumamit si manong or hindi lang talaga alam ano yung debit card? Hahaha bisaya talaga natatawa na lang ako."

Maraming netizens naman ang umalma sa rant ng nasabing pasahero kung kaya’t naglabas pa ito ng clarificatory post.

"This is my last statement regarding about sa issue na yang Move it. Look they accepting debit card kaya yung BDO DEBIT CARD ko yes BDO DEBIT CARD ko ang binigay ko kay manong for payment kaso lang mukhang hindi nya ata alam ano yung BDO DEBIT CARD ko hindi nya tinanggap kasi hindi raw yun pwede like hello? Look may nakalagay Credit or Debit card kayong mga bisaya na padpad dito sa manila please wag kayo dito sa BGC pa kalat kalat wag nyo dalhin dito pagiging anga-anga nyo. Thanks!"

Ngunit, inulan pa din siya ng batikos at muling naglabas ng mas mahaba-habang pahayag ang pasahero. Sinabi niyang ito na raw ang huling beses na i-aaddress niya ang isyu.

"Hello everyone!"

"Regarding about dito sa post ko I don’t have any problems naman sa mga bisaya usually I don’t like them cause so maingay! Sumakay ako ng move it kahapon Makati to BGC and according sa app pwede ang Debit/Credit for payment. Kaya hindi na ako nag dala ng cash, then nung nasa drop off na sa BGC nung mag babayad na ako using my BDO DEBIT CARD yes BDO DEBIT CARD and inabot ko kay manong yung card for payment na 56 pesos and manong told me na hindi daw sila tumatanggap ng BDO DEBIT CARD like hello? Sabi sa app pwede ang any card hindi na ako masyado nag sasalita that time cause I know manong don’t know how to use it or baka hindi pa sya nakakakita ng BDO DEBIT CARD then he said something like “ unsa “ so I know na BISAYA nga sya so hindi na ako nag taka na baka hindi nya talaga alam yung card ko na BDO DEBIT CARD gusto ko pa sana ipakita kay manong yung nakalagay sa app na pwede ang BDO DEBIT CARD kaso manong go away na kaya medyo na tawa talaga ako kasi may mga bisaya pala na hindi know ang DEBIT CARD hope it’s help guys."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Napaka-common sense naman, puwede naman ang GCash o Maya ah, wala naman debit card swipe machine ang mga rider nakakaloka hahahaha."

"Mas aanga-anga ka yata ate, obvious naman, wala silang swipe machine kaya hindi puwede yang debit card."

"first time mo gumamit ng debit card kaya iswipe mo sa bibig mo , ywa man diay ka Bianca"

"Saan i-swipe ang debit card aber? Sa bibig mo o sa puwet hahahaha."

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog