Pinangangambahan sa ngayon ang panibagong oil leak
matapos na isa pang fuel tanker ang lumubog sa Mariveles, Bataan nitong Sabado
ng hapon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), tatlong 44-meter
Coast Guard vessels ang rumesponde sa lugar at dito nakumpirma ang presensya ng
paglubog ng MTKR JASON BRADLEY.
Sa isinagawang diving operations ng PCG, napag-alaman na
walang karga ang naturang barko ngunit may nakitang mga fuel leaks mula dito.
Agad naman itong tinapalan ng PCG.
Sa ngayon ay naghahanda na ang isang shipping company na
isagawa ang salvage operations upang maalis sa dagat ang nasabing lumubog na
barko.
Matatandaan, isang fuel tanker ang nauna nang lumubog sa
Bataan sa kasagsagan ng bagyong Carina at habagat.
0 Comments