Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ligtas
ang mga Pinoy na hawak ng Yemen bilang hostage mula sa kamakailang pag-atake ng
Israel sa port ng Hodeidah sa Yemen.
Kinumpirma din ito ng Embahada sa Riyadh.
Siniguro pa ni PBBM sa mga pamilya ng biktimang seafarers
na hindi pinapabayaan ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga ito at gumagawa na
sila ng hakbang upang matiyak ang ligtas na pagbalik ng mga ito sa bansa.
Kung matatandaan, buwan ng Nobyembre nang sumugod ang
grupo ng Houthi sa isang cargo vessel na Galaxy Leader malapit sa Hodeidah
habang ito’y naglalayag sa India. Ginawang hostage ng naturang rebeldeng grupo
ang 25 crewmembers kung saan 17 dito ay mga Pinoy.
0 Comments