INDIAN CONTENT CREATOR, PATAY HABANG NAGFI-FILM NG INTAGRAM REEL

 


Patay ang 27-anyos na content creator sa India nang maaksidente habang gumagawa ng pang-Instagram Reel.

Sa ulat, bumisita ang Indian content creator na si Kamdar sa Kumbhe Waterfall nang mangyari ang aksidente.

Kung saan, nagsho-shoot ito ng kaniyang pang-Instagram reel nang mamali ito ng naapakan at nahulog sa bangin na may humigit-kumulang 300-talampakan ang taas.

Ayon sa CBS News, inabot ng anim na oras ang mga rescuers na ma-rescue si Kamdar mula sa bangin.

Nung una ay nakatugon pa si Kamdar at kinabitan ito ng ventilator ngunit kinalauna’y idineklara itong patay sa Mangaon Taluka Government Hospital.

Si Kamdar ay kilalang content creator sa India na may mahigit 294,000 followers sa Instagram na nagbabahagi ng kaniyang mga travel tips.

Ang huli nitong post ay nito lamang Hulyo 15, kung saan ibinahagi nito ang kaniyang top 5 places na dapat puntahan sa India sa maulang panahon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog