Ipinaalam ni pole vaulter EJ Obiena na nakaranas ito ng “physical
problems” bago lumaban sa paparating Paris Olympics 2024.
Sa post nito sa Instagram, noong buwan ng Abril
nagsimulang makaramdam ng ilang problema sa pisikal si Obiena kung sumailalim
ito ng iba’t ibang medical procedures para maging mabuti ang kondisyon ng
katawan.
“I have undergone in past months, weeks and days a
variety of medical procedures, to hopefully give myself the best shot at the
Olympic Games”, saad nito sa post.
Bagama’t karaniwan na itong nangyayari sa lahat ng mga
atleta lalo na’t nakaabot pa ng prestihiyosong kumpetisyon sa buong mundo na Olympics
ay nananatili pa rin ang paniniwala nitong kakayanin ang anumang hamon para sa
minimithing tagumpay.
Nangako din si Obiena na ibibigay nito ang lahat para
manalo ng medalya sa quadrennial meet.
“I know these things happen. All athletes at an Olympic
level deal with such adversities. I know not everything is in my control. I am
an optimist by-nature. Can I perform at the highest level? YES, I BELIEVE I
CAN!”, anito.
“I am a proud Filipino and that means I am resilient and
have weathered far worse situations 😉. I promise you all I will give not 99%
but all 100% 💪💪💪!,”
dagdag pa ng atleta.
0 Comments