CARNIVAL CRUISE LINE, NAGHA-HIRE NG MGA FILIPINO CREW




Naghahanap ngayon ng libo-libong mga panibagong staff ang Carnival Cruise Line para sa kanilang tatlong bagong cruise ships.

Ang Carnival Cruise Line ay isa sa pinakamalaking cruise tour operators sa buong mundo.

Ayon kay Christine Duffy, President ng Carnival Cruise Line, kasalukuyan silang nasa Pilipinas upang mag-alok ng mga scholarships sa mga Pilipinong nais sumali sa kanila.

Nakikipagtulungan din ito sa dalawang kolehiyo sa bansa na mayroong kurso na kaugnay sa pagiging isang cruise seafarers.

Isa sa mga binisita ni Duffy ang STI kung saan nag-award ito ng mga scholarships.

Pahayag pa ni Duffy na mayroon ng 12,000 Filipino crew member ang nagtatrabaho sa Carnival Cruise Line habang tinatayang 50,000 Filipino crew members naman ang nagtatrabaho sa walong brand ng Carnival Corporation.

Samantala, sinabi pa ni Duffy na palagi aniyang fully booked ang Carnival Cruise ships at nagkakaroon din ng record ang naturang kumpanya ngayong taon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog