Sugatan ang 19 na tauhan ng iba’t ibang ahensya ng
gobyerno mula sa nangyaring malakas na pagsabog ng isang fireworks disposal sa
Brgy. Cabatangan, Zamboanga City nitong Lunes.
Sa ulat ng Philippine Emergency Alerts, nagsagawa ng
fireworks disposal sa lugar sa pangunguna ng Regional Explosive and Canine Unit
9 nang magresulta ito sa premature detonation na siyang dahilan ng pagkasugat
ng 19 na miyembro ng iba’t ibang government agencies.
Sa kabuuang 19 na sugatan, 6 rito ang mga pulis, 3 ang
mula sa Philippine Coast Guard (PCG), 5 ang bumbero, at 5 ang sundalo.
Kaugnay nito, naramdaman din sa Zamboanga International
Airport ang pagsabog kung saan nagkaroon ng minor damage sa check-in counter.
Ngunit sa kabila nito ay tuloy pa rin ang operasyon ng
naturang paliparan.
Samantala, binuksan naman ng PNP ang imbestigasyon ukol
sa nangyaring insidente.
0 Comments