Inanunsyo ni dating Filipina actress na si Bangs Garcia ang
kaniyang pagiging ganap na British citizen matapos ang pitong taon nang magmula
nang ito’y pinakasalan ng asawang British.
“A year late, but I’m glad I finally had time to sort out
my citizenship this year”, saad nito sa kaniyang Instagram post.
Nangako din ito ng katapatan kay King Charles III at sa
United Kingdom na makikita sa ibinahagi nitong larawan.
“I’ve just pledged allegiance to King Charles III and the
United Kingdom earlier. Therefore, I’m officially a British citizen today”, anito.
Si Garcia ay nagpakasal sa isang Filipino-British Lloyd
Birchmore noong 2016 sa pamamagitan ng isang civil wedding sa London.
0 Comments