MILITARY PLANES NG RUSSIA AT CHINA, LUMIPAD MALAPIT SA ALASKA

 


Nagsagawa ng joint patrols ang mga eroplanong pang-militar ng Russia at China malapit sa U.S. state ng Alaska nitong Huwebes.

 

Ayon sa defense ministry ng Russia, walang nilabag na airspace ng ibang bansa ang kanilang pagpapalipad ng military planes.

 

Habang, sinabi naman ni Zhao Xiaogang, spokesperson ng defense ministry ng China, na ang naturang joint patrol ay ginawa upang mas mapalalim ang estratehiyang mutual trust at koordinasyon sa pagitan ng dalawang mga militar.

 

Dagdag pa dito, wala aniyang tina-target ang kanilang aktibidad gayundin, wala din umano itong kinalaman sa kasalukuyang sitwasyon ng internasyunal at regional.

 

Samantala, ipinahayag naman ng militar ng U.S. na North American Aerospace Defense Command (NORAD) na hinarang ng fighter jets ng U.S. at Canada ang aircraft ng Russia at People's Republic of China (PRC) sa Alaska Air Defense Identification Zone (ADIZ).

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog