BOXING COACH NG SAMOA, PATAY SA KASAGSAGAN NG PARIS OLYMPICS



Patay ang isang boxing coach ng Samoa na si Lionel Elika Fatupaito sa kasagsagan ng Paris Olympics nitong Biyernes, Hulyo 26.

Ayon sa ulat, binawian nang buhay si Fatupaito habang ito’y nasa Olympic Village.

“We at the IBA extend our heartfelt condolences to the family, friends, and colleagues of Lionel Elika Fatupaito, the national boxing coach of Samoa, who tragically passed away during Paris 2024,” pahayag ng IBA.

Hawak sa pangangalaga ni Fatupaito si heavyweight Ato Plodzicki-Faoagali kung saan siya ang tanging boksingero na Samoan na lalaban sa Paris Olympics.

Samantala, ang two-time Pacific Games champion ang haharap kay Victor Schelstraete ng Belgium ngayong Linggo sa North Paris Arena at Roland Garros.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog