6 PASAHERO, NANANATILING NASA OSPITAL NG BRAZIL DAHIL SA MATINDING TURBULENCE NG EROPLANO

 


Patuloy pa ding nagpapagaling ang anim sa ilang mga pasaherong sakay ng Air Europa matapos masugatan sa nangyaring ‘severe turbulence’ ng eroplano.

Ayon sa Air Europa, kinailangan nilang mag-emergency landing sa paliparan ng Natal sa Northeast Brazil dahil sa naranasang ‘severe turbulence’ kung saan dinala sa mga ospital at clinic ang nasa 40 mga pasahero nang magtamo ng ‘abrasions at minor traumas’.

Sinasabing ang naturang flight ay may sakay na 325 na mga pasahero na galing sa Madrid at patungong Montevideo, Uruguay.

Ilan sa mga nasugatan ay mula sa mga bansang Spain, Argentina, Uruguay, Israel, Bolivia, at Germany.

Samantala, ligtas namang inihatid sa kanilang destinasyon ang natirang mga pasahero na hindi nasaktan, isang araw matapos ang nangyari.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog