3 PATAY SA SUFFOCATION HABANG NAGSASAGAWA NG UMANO’Y ‘TREASURE HUNTING’ SA MISAMIS ORIENTAL



Patay ang tatlong indibidwal sa suffocation matapos ang paghuhukay sa isang butas sa Balingasag, Misamis Oriental.

Sa isang ulat, sinasabing naghahanap umano ang mga ito ng ginto sa naturang hukay ngunit nakarinig sila ng isang pagputok at ilang sandali pa ay bigla nalang silang nahirapan makahinga na naging sanhi ng pagkamatay ng tatlo.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na posibleng sumabog ang water pump na ginamit ng mga biktima at nalanghap nito ang usok na siyang naging sanhi ng suffocation.

Naging pahirapan naman ang pag-rescue sa mga biktima dahil ang hukay ay makitid at may lalim na 25 talampakan.

Sa kabila ng pagkamatay ng tatlong biktima ay maswerte namang nakaligtas ang isang 15-anyos na anak ng isang namatay na biktima.

Ayon kay Mayor Alexis Quina, sinabi nitong nagmimina ng ginto ang mga biktima at nasawi dahil sa lason na dala ng carbon monoxide.

Ani pa ni Quina na ang pagmiminang ginawa ng mga biktima ay ilegal at maaaring managot ang mga barangay officials na mapatunayang pinayagan ang naturang aktibidad.

Samantala, inutusan naman ng Municipal Social Welfare and Development Office ang posibleng maibibigay na tulong para sa mga biktima.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog