21, PATAY SA PAGSALANTA NG BAGYONG CARINA AT HABAGAT



Nakapagtala ng 21 katao ang patay sa pagsalanta ng bagyong Carina kasabay ng hanging habagat sa Pilipinas.

 

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, as of 10:00 ng umaga ngayong araw ay nasa 15 katao ang nasugatan habang 5 pa ang naiulat na nawawala.

 

Kaugnay nito, nasa 245,000 na mga pamilya o katumbas ng 1.1-milyon katao ang apektado ng habagat, bagyong Carina, at ng tropical cyclone Butchoy, batay sa 8:00 am report ng NDRRMC.

 

Nag-iwan din ang nasabing masamang panahon ng tinatayang 9.7-milyon na pinsala sa agrikultura.

 

Habang, 49 na mga kalsada at 8 mga tulay ang hindi pa pwedeng madaanan bunsod ng landslide na dulot ng bagyo at 69 na mga lungsod at bayan sa bansa ang wala pa ding kuryente.

 

Dahil sa pananalasa ng bagyo, temporaryong sinuspendi ang mga klase at ang pasok ng mga government employees. Gayundin, mahigit 100 domestic at international flights ang kinansela.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog