ILANG CELEBRITY, SPOTTED SA MGA RELIEF AT RESCUE OPERATIONS NG MGA APEKTADONG RESIDENTE NG BAGYONG CARINA AT HANGING HABAGAT

 

Spotted sa ilang relief at rescue operations ang mga kilalang celebrities sa mga biktima ng bagyong Carina at hanging habagat.


Kabilang sa mga naispatan ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson na nakunan ng video habang nilulusob ang malalim na baha upang tulungan ang isang pamilya na na-stranded sa kanilang bahay sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

 


Nakita din ang pagsama ni Actor-singer Ronnie Liang sa mga rescue operations sa Brgy. Roxas, Quezon City kung saan ginagampanan nito ang pagiging reservist ng Philippine Army.


 

Nakunan naman ng litrato ang pagtulong ni Actor David Chua sa pagtulong nito sa pamamahagi ng mga relief packs sa mga apektadong residente ng Tondo, Manila.

 


Habang, ikinatuwa din ng madla ang presensya ng isa sa mga karakter ng “Maria Clara at Ibarra” na si Rocco Nacino sa pagtulong nito sa pag-repack ng mga relief goods sa GMA Kapuso Foundation warehouse. Gayundin, si Enzo Pineda na nagre-repack din ng relief goods na ipapamahagi sa mga apektadong indibidwal.



 

Samantala, makikita naman ang mga ngiti sa labi nina “Unang Hirit” hosts Shaira Diaz at Suzi Entrat-Abrera nang personal silang pumunta sa evacuation center sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal upang mamahagi ng pagkain at relief packs.

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog