Nabigyan ng celestial treat
ang mga tao sa central Paris matapos personal na masaksihan ang saktong pagdaan
ng buwan na sumentro sa Olympic Rings sa Eiffel Tower.
Ang 29- by 13-meter
construction, na gawa sa recycled steel, ay inilagay noong Hunyo sa timog na
bahagi ng iconic na monumento ng Paris ng 30 manggagawa, gamit ang apat na
crane.
Magsisilbing center stage sa
Olympics ang Eiffel Tower, kung saan gaganapin ang beach volleyball competition
sa paanan ng 'Iron Lady' at ang opening ceremony ay mangyayari sa Seine, na
dumadaan sa paanan ng tower.
Samantala, ang Paris
Olympics ay nakatakdang magsisimula sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.
0 Comments