Pinasaringan ni content creator at talent manager Ogie
Diaz ang nag-viral na post tungkol sa ginawa ng isang miyembro ng LGBTQ sa
isang waiter nang dahil lang tinawag itong “SIR”.
Ayon kay Diaz, nainsulto ang transgender na si Jude
Bacalso dahil kahit naka-makeup at damit pambabae ay hindi pa rin ito
mapagkakamalan na isang babae.
"Pinatayo mo for 2 hours yung waiter kasi nainsulto
ka dahil tinawag kang “sir.” Yan ang
lumalabas sa mga posts. Nainsulto ka kasi, nakaayos-babae ka, pero hindi mo
na-achieve na tawagin kang 'Ma’am'."
Tinawag din ni Diaz na “entitled” si Bacalso dahil tila
ipinipilit nito sa iba ang kanyang kasarian.
"Nagdesisyon kang ibahin ang pagkatao mo, tapos ang
gusto mo, mag-adjust lahat ang mga tao sa pagbabago mo ng anyo. Agad-agad? Di
ba pwedeng dahan-dahan lang, Ateng? Tutal, ikaw naman ang nagdesisyong magbago
ang takbo ng pagkatao mo? Entitled ka naman masyado, teh," anito.
Hindi rin nagustuhan ng content creator ang ginawang
pagpaparusa ni Bacalso sa waiter.
Habang naniniwala naman ito na hindi ikararangal ng
kanilang komunidad ang asal ni Bacalso.
"Nag-sorry na nga yung waiter, di pa rin sapat at
pinatayo mo pa talaga nang dalawang oras?"
"Gusto mong maging proud ang LGBTQIA+ community sa
yo, paano? Itsura mo lang ata nagbago, sana, idinamay mo na rin pati pagkatao
mo para mabitbit mo kahit saan ka dumayo.
Gusto mo pairalin ang gender sensitivity ng mga tao sa
LGBTQIA+ community, pero hindi ka naman sensitive sa nararamdaman ng ibang tao".
Matatandaang, viral ang isang post ng nagngangalang John
Calderon matapos nitong personal na masaksihan ang ginawa ni Jude Bacalso sa
isang waiter na umano’y pinatayo ito ng halos dalawang oras matapos siyang
tawagin na “SIR”.
0 Comments