Napili ng Atlanta Hawks ang French basketball player na
si Zaccharie Risacher matapos itong maging No. 1 overall pick sa opening round
ng NBA Draft.
Ang 19-anyos na si Risacher na nasa forward position ay
may taas na 6’9 at ikalawang Frenchman na napiling maging No. 1 sa NBA Draft.
Kung matatandaan, nakuha ni Victor Wembanyama, isang
French professional basketball player, ang No.1 NBA Draft noong nakaraang taon.
Si Risacher ang ikalawang pinakabatang basketball player
na pinangalanang EuroCup Rising Star at naging Best young Player sa French
leagues 2023-2024.
Samantala, isa pang Frenchman ang napili bilang pangalawa
sa overall ng Washington Wizards na kinilala kay Alexandre Sarr, 19-anyos, may
taas na 7 foot at ang posisyon ay center.
Ito na ang ikatlong beses sa kasaysayan ng NBA na pawang
mga French ang Napili sa drafts na walang US college na karanasan.
0 Comments