Inaresto ng Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) ang limang mga banyaga na pumasok sa bansa na walang wastong immigration clearance sa Zamboanga City ngayong araw, Hunyo 27.
Sa pinagsanib-pwersa ng PNP-Maritime Group (PNP-MG) at ng
Bureau of Immigration, nadiskubre ng PCG ang pagpasok ng limang foreign
nationals sa “back door” mula sa Malaysia patungong Bongao, tawi-Tawi gamit ang
isang speed boat.
Kabilang sa mga naaresto ang apat na Indian nationals at
isang Malaysian national.
Sa isinagawang pagsusuri ng Intelligence Unit ng BI,
napag-alamang kabilang sa "watchlist of blacklisted nationals" ang
apat na Indiano noong 2004, 2016, at 2004.
Ayon sa CGDSWM, nakatakdang kakasuhan ng violation of
Commonwealth Act No. 613 o The Philippine Immigration Act, specifically Section
37 E ang naarestong mga banyaga.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng BI ang naturang mga
tresspassers para sa karampatang disposisyon.
0 Comments