via Krissa Albarado |
“Ginagawa ko ito kasi mas mabuti na may sarili kaming
pambili.”
Ito ang naging pahayag ng 88-anyos na Lola mula sa Argao,
Cebu na kinilala kay “Owa Minay”.
Sa edad kasi na 88-anyos ay walang alinlangan at
buwis-buhay pa rin nitong inaakyat ang bundok upang makakuha ng mga materyales
na kaniyang gagamitin sa ibinebentang basket.
Mula sa nagagawang mga basket, dito na kinukuha ni Lola
Minay ang kanilang pambili sa pang-araw-araw na gastusin lalo na’t lumaki
silang hirap sa buhay.
Sa isang ulat, ikwinento ni Lola Minay na palagi nitong
ipinagdarasal na maging malakas at maging malinaw ang paningin lalo na’t
aminado itong tumatanda na siya dahilan na marami na siyang nararamdaman na
sakit sa katawan.
Bagama’t nakakaramdam na ito ng pagsakit sa kaniyang bewang
at mga tuhod, tuloy pa rin niyang ginagawa ang mga nakagawian kahit na ito’y
delikado.
Tatlong beses sa isang linggo, umaakyat ng bundok si Lola
Minay para manguha ng nito kung saan ito ang pangunahing materyales sa paggawa
ng kaniyang basket tsaka ito binebenta.
Hindi alintana ng 88-anyos na Lola na lakarin ang bundok
ng nakayapak pati ang hirap sa paglalakad lalo na’t ito’y kuba na at madali
pang hingalin.
Ngunit, dahil sa hirap ng buhay ay kailangan niyang
kumayod.
“Ginagawa ko ito kasi mas mabuti na may sarili kaming
pambili.
Hindi ‘yung nakadepende kami ng mga nakababata kong
kapatid sa iba.
Tuwing umaga, bago ako umalis, nagdadasal na lang ako sa
Diyos.
‘Pagalawin Mo ako. ‘Yung mata ko, bigyan Mo sana ng
konting ilaw.’
Matanda na kasi ako.
Hindi na ako nakakatayo masyado.
‘Yung bewang at tuhod ko, nananakit na.
Pero kailangan kasi naming mabuhay.
Kaya patuloy ko ‘tong gagawin hangga’t nakakagalaw ako.
Ito kasi ang ipinambuhay ng mga magulang namin sa amin.”
Owa Minay, 88-anyos.
0 Comments