VIETNAMESE, NAISPATANG WALANG SUOT NA PALAKAD-LAKAD SA NAIA

 


Laking gulat ng mga tao sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang paglitaw ng babaeng Vietnamese na palakad-lakad nitong Sabado na walang saplot.

Sa inilabas na video ng Manila International Airport Authority, makikitang dire-diretsong binabaktas ng naturang babae ang departure area ng NAIA Terminal habang ito’y nakahubo’t hubad.

Mabilis namang inaksyunan ng airport personnel ang nangyari tsaka sinuotan ng damit ang nasabing babae.

Nakatakda sanang babyahe patungong Ho Chi Minh City sa Vietnam ang babae ngunit hindi ito pinayagan.

Napag-alamang nakakaranas umano ng psychological disorder ang Vietnamese dahilan na kailangan itong i-offload ng immigration officer.

Samantala, nitong Linggo ay pinayagan nang makalipad pabalik sa Vietnam ang naturang babae.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog