Ka-K5, anong gagawin mo kung
ang iyong katrabahong may asawa na ay nakikipagharutan sa kasamahan sa trabaho?
‘Not sorry at all’ Ito ang naging pahayag ng isang empleyado na sinumbong sa kanilang HR ang ka-officemate nitong nakikipagharutan sa katrabaho kahit na ito’y may asawa na.
Usap-usapan ang naturang
post ng isang empleyado kung saan ibinahagi nito ang panloloko ng katrabahong
lalaki sa asawa nito.
Mababasa sa post na game na
game na nakikipagharutan umano ang katrabahong lalaki sa bagong empleyado kahit
na ito’y may asawa na.
Tila hindi rin umano lubos
maisip ng anonymous citizen ang lakas ng loob na ipinapakita ng dalawa lalo na’t
kasal ang lalaki at alam din ito ng babae.
Ipinagmamalaki pa umano ng
lalaki ang pagiging atat ng babae sa kaniyang mga katrabaho.
Mas lalo pang nainis ang
anonymous citizen nang maging lantaran ang paghaharutan ng dalawa nang sila’y
magkayayaan.
Bagama’t nagdadalawang isip
ay minabuting isinumbong ng anonymous citizen ang panlolokong ginagawa ng
kaniyang katrabaho sa asawa nito.
Dito, gumawa siya ng bagong
Facebook account at isinend ang mga ebidensyang kaniyang nakunan sa panloloko
ng lalaki sa asawa nito.
Nagalit naman ang lalaki nang malaman nitong nakaabot sa
asawa ang ginagawa nitong panloloko ngunit kaniyang pinaghinalaan ang mga
babaeng katrabaho na kaniyang tinawag na “pakialamera”.
Sumunod na araw, nagpadala ng anonymous letter ang concerned netizen sa Human Resources Department upang isumbong naman ang bagong empleyado na pumapatol sa lalaking katrabaho na may asawa na.
Hanggang sa nabalitaan na lamang nilang pinatawag daw ang
babae sa HR at tinanggal sa trabaho dahil under probationary status pa ito. Ang
lalaking may asawa naman ay regular na empleyado na kaya sinuspinde lamang
siya. Napag-alaman din nilang may boyfriend pala ang babae na isang OFW.
Ang kinaiinis pa ng anonymous netizen, tila nagagalit pa
ang mga kaibigan ng dalawang magkarelasyon sa mga “pakialamera.”
“Nakuha na naman nila inis ko hahaha, so kasalanan ko pa kasi cheater mga kaibigan nyo?” mababasa sa post.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula
sa netizens.
“Ganyang pkikialam sana ung gsto ko hhahahaha”
“Uso pala talaga ang office affairs”
“Enablers yung friend. Layuan mo mga yan. Derserve nung guy yung karma.”
“daming ganyan sa workplace ko hahaha relate-much”
“Ngayon lang ako natuwa sa pakialamero”
“+100 to s heaven.. Ganyan dapat eh
0 Comments