SUSPEK SA INSIDENTE NG SUNOG SA KUWAIT, NAARESTO NA



Nakakulong ang tatlong katao na sangkot sa nangyaring sunog sa Kuwait na ikinamatay ng 49 na mga indibidwal kasama na ang 3 Pinoy na OFW.

Ayon kay Kuwaiti Foreign Minister Abdullah Al-Yahya, nadakip na ang tatlong katao na sinasabing suspected manslaughter.

Kung matatandaan, nasunog ang anim na palapag na gusali sa Kuwait kung saan karamihan sa mga namatay ay mga Indiano at tatlong Pinoy na OFW.

Habang, ang iba pang mga biktima ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa lugar.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagtukoy sa motibo ng mga suspek sa naturang insidente.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog