Inaasahan ang posibleng pagbubukas ng embahada ng Ukraine
sa Pilipinas ngayong taon.
Ito ang sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy
sa ginanap na bilateral meeting kasama ang Pangulong Ferdinand “Bongbong”
Marcos, Jr. sa Malacañang.
Masayang ipinahayag ni Zelenskiy kay Marcos sa kanilang
opisyal na paghaharap ang pagbubukas ng Ukraine embassy sa Manila.
Nagpasalamat din si Zelenskiy kay Marcos sa suportang
ibinigay nito sa Ukraine sa kabila ng nagpapatuloy na gyera kontra Russia.
Samantala, dumating kaninang umaga si Zelenskiy para sa
opisyal na pagkikita at pagdalo sa bilateral meeting nila ni Pangulong Marcos,
Jr.
0 Comments