ADELE, NAINIS SA ISANG AUDIENCE NANG SUMIGAW ITO NG “PRIDE SUCK” SA KANIYANG CONCERT


Hindi nakapagpigil ang singer na si Adele nang marinig nito ang pagsigaw ng isa sa kaniyang mga audience na tila pambabastos sa LGBTQ+ community.

Tila nanggigil ang singer nang pagsabihan nito ang isang audience na sumigaw ng “Pride sucks” sa kaniyang Las Vegas concert sa mismong unang araw ng Pride Month.

Mabilis namang mag-viral ang video ni Adele nang pagsabihan nito ang isang homophobic audience.

"Did you come to my f****** show and just say that Pride sucks? Are you f******* stupid? Don't be so f****** ridiculous. If you have nothing nice to say, shut up, alright?", sinabi ng singer sa video.

Napag-alaman na mula nang magkaroon ng residency si Adele noong 2022, kilala na itong nagdiriwang ng LGBTQ+ community suot ang rainbow dress sa isang concert sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pride Month noong 2023.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog