Muli na namang nakuha ni Yuka Saso ang kampyeonato sa
U.S. Women’s Open sa ikalawang pagkakataon nitong Linggo.
Si Saso ang kauna-unahang Filipino na nanalo sa Women’s
Open noong 2021 at ngayo’y kauna-unahan mula sa Japan.
Ngunit, anuman ang bandilang ibabandera ng naturang
atleta, nagpakita pa rin ang 22-anyos ng kaniyang napakahusay na performance sa
Lancaster Country Club.
Kaugnay nito, isa din sa mga hiling ni Saso na
makapaglaro para sa dalawang bandila dahil sa ang nanay nito ay mula sa
Pilipinas habang ang ama naman ay taga-Japan.
Samantala, si Saso ay nanalo sa isang playoff sa The
Olympic Club sa San Francisco at nanalo din siya sa pamamagitan ng tatlong
shots sa Lancaster Country Club.
0 Comments