Nagwagi si Wild Thang, isang 8-anyos na Pekingese, sa
2024 World’s Ugliest Dog contest ng Sonoma Marin Fair sa Petaluma, California.
Ipinanganak sa Los Angeles si Wild Thang at kamakailan ay
nagretiro na kasama ang kaniyang pamilya sa North Bend, Oregon.
Sa ngayong taong kumpetisyon, walong mga kalahok ang
pinagpilian kung saan karamihan sa kanila ay na-rescue na unang lumitaw sa mga
silungan bago mahanap ang kanilang mga permanenteng tahanan.
Kabilang sa mga ito ang kombinasyon ng Chinese Crested
dogs, Pugs, at Chihuahuas.
Napag-alamang, limang beses nang lumaban sa naturang titulo
si Wild Thang at ngayon ay opisyal nitong nakuha ang titulo.
Nakuha ni Wild Thang ang kakaibang itsura dahil sa
pagkakaroon nito ng canine distemper noong ito’y 10-linggo pa lamang.
Nang dahil sa nasabing sakit, hindi na tumubo ang ngipin
nito sanhi ng pagkakalawit ng kaniyang dila at pagkakaroon ng muscular
imbalance sa isa nitong binti.
Subalit, sa kabila ng physical issues ay nananatili pa
ding malusog at masayang Glugly (glamorous/ugly) si Wild Thang.
Samantala, bilang winner ay nakatanggap si Wild Thang at
nagmamay-ari sa kaniyang si Ann Lewis ng $5,000 at isang trophy.
0 Comments