MISS PANDACAN, VIRAL SA KANIYANG PAGIGING TAPAT NA HINDI NITO ALAM ANG ‘SPIRIT ANIMAL’

 



Tila naging instant crowd favorite ang kandidatang si Estephanie Ladignon ng Pandacan matapos na maging honest ito sa tanong na “Who or What is your spirit animal?”

Kung saan, nakaramdam ito ng tensyon at nagpakatotoo nang sabihin nitong hindi niya alam kung ano ang ‘spirit animal’.

“Oh, I think my spirit animal is something that I… I think that my spirit animal is…

"Oh my God, I am so tensed at this moment!

“What’s the spirit animal, to be honest?” walang pagpapanggap na balik-tanong niya.

Agaran naman itong sinagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, “It could be something that maybe reflects your personality.”

“Or your favorite animal”, dagdag naman ni R'Bonney.

Dito, naliwanagan si Miss Pandacan at mabilisan nitong sinagot ang tanong.

“So my spirit animal, I think, is a monkey! Okay, I think a monkey is very fun so that’s something that describes me. Thank you so much for that. I was so tensed, this is to show my personality!”

Bagama’t naging tensyonado ang kandidata, with confidence niya pa ding sinagot ang katanungan sa Miss Manila 2024.

Dahil dito, maraming netizens ang naaliw at natuwa sa ipinakitang personalidad ng nasabing kandidata sa kumpetisyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog