350K NA IPON SA BANGKO, NAWALA NA PARANG BULA



Nanlumo at napaiyak na lang si Gleen Cañete habang nagla-live sa Facebook nang ibahagi nito ang nangyari sa kaniyang pinag-ipunang pera.

Sa isang post, halos P350,000 na halaga ng pera ang laman ng BDO passbook ni Cañete nang bigla na lang itong nawala.

Nakatakda pa sana itong panggastos sa pag-aaral sa kolehiyo ng kaniyang anak.

Agad naman itong ipinaabot ni Cañete sa BDO ngunit ang sinabi nito’y mayroon daw nag-withdraw ng kaniyang pera online.

Labis naman ang pagkagulat at pagtataka nito dahil wala naman umano itong online account at naka-passbook ang account nito.

Dahil dito, maraming netizens ang umalma at nanawagan sa BDO na dapat higpitan ang kanilang bank security lalo na’t hindi biro ang hirap na pinagdaanan ng kanilang mga kliyente upang makaipon ng pera.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog