STARSHIP NG SPACEX, LIGTAS NA NAKABALIK SA MUNDO



Ligtas na nakabalik ng planet Earth ang Starship rocket ng SpaceX mula sa isang misyon sa kalawakan.

Nakamit din nito ang breakthrough landing demonstration sa Indian Ocean nitong Huwebes kung saan nakumpleto nito ang full test mission sa buong mundo sa ika-apat na pagsubok ng rocket.

Kontroladong nakalapag sa Indian Ocean ang Starship 65-minuto matapos ang paglunsad mula sa Texas para subukan ang latest advance na test-to-failure rocket development campaign ng kompanya na binuo ng isang muti-billionaire na si Elon Musk.

Layunin ni Musk na makapagtayo ng reusable satellite launcher at moon lander.

Ayon kay Musk, sa kabila ng maraming beses na pagkawala ng tiles at pagkasira ng flap, matagumpay na naka-soft landing ang Starship sa dagat.

Ang SpaceX ay regular na nagpapadala ng mga astronauts papunta at mula sa International Space Station sa low-Earth orbit para sa NASA gamit ang kanilang Crew Dragon Capsule.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog