Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang pagdaan
ng dalawang Chinese warships – isang training ship na may bow number na 83 at
isang amphibious transport dock na may bow number na 999 – sa Basilan Strait sa
loob ng Zamboanga Peninsula nitong Hunyo 6.
Ayon sa AFP, ipinadala nila ang BRP Domingo Deluana
(PG905) upang sunda at mamonitor ang pagdaan ng dalawang PLA Navy vessels.
Naglabas na din ng standard challenge ang inatasang
vessel sa mga nasabing warships ng China.
0 Comments