JUNE 17, IDINEKLARANG REGULAR HOLIDAY NI PANGULONG MARCOS

 



Opisyal na idineklara bilang regular holiday ang ika-17 ng Hunyo bilang paggalang sa Eid’l Adha o ang Feast of Sacrifice.

Nitong Hunyo 4, ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deklarasayon sa pamamagitan ng Proclamation No. 579 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ayon kay Marcos, ang pagdeklara ng naturang holiday ay mula sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na ibinase sa Islamic Lunar Calendar.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog