“SINAG”, OPISYAL NA BARONG NG FLAGBEARERS NG PILIPINAS SA 2024 PARIS OLYMPICS

 



Inilantad na ng Philippine Olympic Committee ang opisyal na barong na susuotin ng mga boksingerong sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam, kung saan sila ang magiging kinatawan at hahawak sa bandila ng Pilipinas para sa pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.

Ang naturang barong ay pinangalanang “Sinag” na dinisenyo ni Francis Libiran.



Tampok sa barong ang naka-embroidered na mga sinag ng araw at ang warrior patterns sa may kwelyo na kinuha ang inspirasyon sa Pintados at hinabi mula sa telang piña-jusi.


Samantala, nakatakdang pormal na bubuksan ang 2024 Paris Olympics sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog