Patuloy ang imbestigasyon ng Lezo Municipal Police Station sa sunod-sunod na insidente ng pagnanakaw sa nasabing bayan.
Sa panayam ng K5 News Team kay PCPT Jover Ponghon ng Lezo PNP, nabatid na una nilang naitala ang kaso ng pagnanakaw sa Brgy Bagto nito lamang Hunyo 16 kung saan nakuha ang ilang gamit sa loob ng isang tahanan, habang kahapon naman ay panibagong insidente ang nangyari kung saan 4 na mga panabong na manok ang natangay.
Bagama’t walang CCTV sa lugar nang naunang insidente ay meron na rin aniya silang lead na sinusundan dito at patuloy ang kanilang monitoring sa mga menor de edad na person of interest, na dati na ring nasangkot sa mga kaparehong gawain.
Habang patuloy naman ang kanilang imbestigasyon sa ninakaw na mga manok sa Brgy Mina kung saan naging madali ang proseso ng mga kawatan dahil walang bakod ang farm.
Dahil dito muling nagpaalala si Ponghon sa publiko na huwag pakampante at i-secure ang mga tahanan dahil naghihintay lamang aniya ng pagkakataon ang mga kawatan upang umatake.
Samantala, ipinasiguro naman nito na nagpapatuloy ang kanilang pagpapatrolya sa nasabing bayan at plano rin aniya nilang makipag-ugnayan sa mga Brgy upang mapag-usapan ang ilang hakbang na layong maiwasan ang mga kaparehong pangyayari. |TERESA IGUID
0 Comments